SBP, isinama si Kai Sotto sa Gilas pool para sa FIBA qualifiers

Inaasahang makakasama ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para sa dalawang international campaign ng bansa ngayon taon.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, isinama nila ang 7-foot-3 center sa national team pool base sa plano ng pederasyon sa kabuuan ng 2021.

Aniya, bahagi na si Sotto ng future ng Gilas at karangalan para SBP na maging bahagi ito ng seniors’ team’s buildup.


Target ng Gilas na lumahok sa 46th season ng Philippine Basketball Association (PBA) habang naghahanda sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na muling itinakda sa June, FIBA Olympic Qualifying Tournament na isasagawa sa Belgrade sa July at sa 2021 FIBA Asia Cup sa Indonesia sa Agosto.

Facebook Comments