Pinagkokomento ng Korte Suprema ang respondents sa petisyon na kume-kuwestiyon sa ruling ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa kanselasyon ng Certificate of Candidacy (COC) ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa Supreme Court, binibigyan nila ng 15 araw ang COMELEC, si Marcos, ang Senado at ang House of Representatives kaugnay sa petition for certiorari na humihiling na mag-isyu sila ng Temporary Restraining Order sa canvassing ng mga boto at proklamasyon ng nanalong presidente at bise presidente noong 2022 Elections.
Wala namang inilabas na TRO o injunction ang Supreme Court kung kaya’t inaasahang matutuloy pa rin ang bilangan at proklamasyon sa susunod na linggo.
Kasalukuyang naka-recess ang mga mahistrado ng korte at wala pang schedule ng pagpupulong ang en banc hanggang sa Hunyo 14.