SC, bumuo na ng organizing committee para sa ilulunsad na 2019 Legal Education Summit

Manila, Philippines – Bumuo na ang Korte Suprema ng organizing committee na tututok sa gaganaping 2019 Legal Education Summit sa Hulyo.

Sa dalawang pahinang Memorandum Order number 21-2019, inatasan ng Supreme Court (SC) si Associate Justice Alexander Gesmundo bilang Chairperson ng organizing committee, katuwang ang  mga law experts ng mga unibersidad at mga mahistrado ng Kataas-Taasang Hukuman.

Ang nasabing komite ang siyang babalangkas ng mga hakbangin at solusyon sa maaaring kaharaping problema sa paglulunsad ng Legal Education Summit.


Bahagi nito ay makunsulta ang mga stakeholders, sa iba’t-ibang rehiyon para tukuyin ang mga nakitang problema sa usapin at makunsidera ang mga solusyong ilalatag.

Kabilang na ang pag-update ng basic law curriculum para sa mga panuntunan ng admission sa bar at paggamit ng best practice sa kanilang paghuhubog ng mga estudyante.

Facebook Comments