Ipinahayag ni Atty. Larry Gadon na nagtagumpay pa rin si Solicitor General Jose Calida kahit ibinasura ng Supreme Court ang kaniyang quo warranto petition.
Sa isang statement, sinabi ni Gadon na big victory para sa SolGen ang pagbanggit ng Korte Suprema sa operative word na “expired” patungkol sa franchise ng ABS-CBN.
Maituturing aniya itong pinakamahalagang bahagi ng Supreme Court decision dahil mapapahina na ang mga susunod na argumento ng network sa kanilang posisyon sa franchise issue.
Nangangahulugan aniya ito na natuldukan na ang legal existence ng ABS-CBN franchise.
Magugunita na naghain din ng petisyon sa SC si Gadon pero ibinasura rin dahil maituturing nang moot and academic bunsod ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).