
Nagbabala ang Korte Suprema sa publiko laban sa mga lumalabas na larawan ng mga mahistrado na layong linlangin ang publiko.
Ito ay matapos na kumalat sa social media ang mga litrato ng mga justices ng Court of Appeals na iniuugnay sa Senado at Land Bank of the Philippines.
Ayon sa SC, kuha mula sa isang press release ang orihinal na litrato na patungkol sa 2025 Open Government Partnership Asia and the Pacific Regional Meeting na ginanap noon pang February 5.
Nilinaw ng Kataas-taasang Hukuman na walang kaugnayan ang mga mahistrado ng CA sa Senado at Landbank.
Hinimok din nila ang publiko na sumangguni sa opisyal na website at social media ng Supreme Court para sa mga wasto at beripikadong impormasyon.
Facebook Comments









