SC, kinondena ang pagkamatay ng isang hukom sa Butuan City

Manila, Philippines – Umaapela ang Korte Suprema sa mga otoridad na paspasan ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa pagpatay kay Butuan City Judge Godofredo Abul Jr.

Kasunod nito nakikidalamhati si SC Chief Justice Ma Lourdes Sereno at iba pang mahistrado sa naulilang pamilya ni Judge Abul.

Umaasa din ang Kataas Taasang Hukuman na mapapanagot agad ang sinumang nasa likod ng pananambang sa hukom.


Matatandaang napatay si Judge Godofredo Abul Jr. ng Butuan City Regional Trial Court Branch 4 sa loob ng kaniyang tirahan Sabado ng umaga.

Kasama sa nasaktan sa insidente ang kaniyang asawa.

Sa ngayon palaisipan pa kung sino at ano ang motibo sa nasabing krimen.

Facebook Comments