Para mapalawak pa ang kaalaman ng mga abogado sa bansa sa International Law, nakipag-ugnayan ang Supreme Court sa The Hague Academy of the International Law para sa professional training course.
Mismong si Chief Justice Alexander Gesmundo ang nagbukas sa dalawang linggong training sa Judicial Academy Philippines sa Tagaytay City.
Ayon kay Gesmundo, mahalaga na makasabay ang mga abogado sa International Law lalo’t malaki na ang ipinagbago ng international legal system.
Hindi lamang kasi aniya ang domestic law ang dapat na kabisaduhin ng mga abogado kundi maging ang international law lalo na sa usapin sa boundary disputes, digital commerce, cybercrime, human trafficking, terrorism at iba pa.
Hindi maikakaila na umiinit ngayon ang tensyon sa West Philippine Sea dahil sa ginagawang pangbu-bully ng China sa PIlipinas.