Manila, Philippines – Wala pang inilalabas na resolusyon ang Kataas Taasang Hukuman hinggil sa legalidad ng curfew sa 3 syudad sa Metro Manila.
Ito ang ginawang paglilinaw ngayon ng Supreme Court Public Information Office.
Base kasi sa mga ulat ng ilang pahayagan, idinekalara daw na constitutional ang curfew o discipline hour sa mga menor de edad sa Quezon City habang ibinasura umano ng KS ang curfew sa Maynila at Navotas dahil sa nalabag nito ang ilang probisyon ng Juvenile Justice and Welfare Act.
Samantala, ayon pa sa Office of the Clerk of Court ng SC wala pa silang inilalabas na resolusyon hinggil sa curfew.
Una nang nilinaw ng SC PIO sa kanilang twitter account na hindi sa kanila lumabas ang balita hinggil sa curfew at ang ilan sa mga nagsilabasang balita ay base sa “source” ng ilang mamamahayag.