Manila, Philippines – Kinatigan ng Korte Suprema ang hirit ng Department of Justice na mailipat ang trial venue sa pagdinig sa mga kasong kinasasangkutan ng Maute terror group.
Sa desisyon ng Supreme Court, itinalaga ang Taguig RTC upang doon dinggin ang kaso ng Maute group.
Una na kasing itinalaga ng KataasTaasang Hukuman ang Cagayan De Oro RTC pero dahil sa lubhang delikado kasunod narin ng usaping pangseguridad kung kaya’t minarapat ng DOJ na hilingin sa KS na sa Taguig RTC na lamang idaos ang mga pagdinig.
Samantala, itinalaga din ang Special Intensive Care Area na matatagpuan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang pagkukulungan o ang detention facility ng mga pinaghihinalaang sangkot sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.
Facebook Comments