SC, pinagsusumite ang AFP ng mga dokumento na susuporta sa kanilang akusasyon

Hinihingian ng supporting documents ni Supreme Court Associate Justice Benjamin Caguioa ang AFP kaugnay ng kanilang akusasyon na ang ilang mga pag-atake sa Mindanao ay kagagawan ng New People’s Army.

Sa kanyang ulat sa mga mahistrado, tinukoy din ni AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence Brig. General Pablo Lorenzo na Sa kasalukuyan dalawang teroristang grupo ang aktibo sa Mindanao partikular ang Dawla Islamiyah at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Aniya, May presensya ng Dawla Islamiyah sa Lanao, Maguindanao, Sulu at Basilan.


Ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ay nakapatay din aniya ng limang sundalo at 23 sibilyan.

Mayroon din aniyang aktibong miyembro ng mga foreign terrorist fighters (FTFs) ang sumusuporta sa mga local terrorist sa Mindanao.

Sa interpelasyon naman ni Justice Marvic Leonen, iginiit ni Solicitor General Jose Calida na ang Abu Sayyaf ay hindi mga rebelde kundi terorista base na rin aniya sa pamamaraan ng mga aktibidad at operasyon nito.

Facebook Comments