SC, pinagtibay ang desisyong: Filipino at Panitikan subjects, hindi kailangan sa kolehiyo

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang kanilang desisyong tanggalin ang Filipino at Philippine literature bilang core subjects sa kolehiyo.

Sa limang pahinang resolusyon, nanindigan ang SC en banc sa kanilang ruling noong October 9, 2018 matapos mabigo ang mga petitioner na magpresenta ng mga bagong argumento na posibleng magpabago sa opinyon ng mga justice.

Inaprubahan ang resolusyon ng lahat ng miyembro ng korte maliban kay Justice Estela Perlas-Bernabe na naka-leave.


Nagsumite naman ng hiwalay na concurring opinion si Justice Marvic Leonen.

Mababatid na inihain ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino ang motion for reconsideration sa naunang desisyon ng SC na hindi na i-require ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Iginiit ng grupo sa kanilang mosyon na mandato ng konstitusyon na isama ang pag-aaral ng Filipino sa curriculum sa lahat ng lebel.

Facebook Comments