Saturday, January 31, 2026

SC ruling kaugnay ng impeachment laban kay VP Sara, patunay na may limitasyon ang political power at hindi kailanman makahihigit sa Konstitusyon

Para sa Bagong Henerasyon Party-list, napatunayan ngayon na sa umiiral na demokrasya ay may hangganan ang kapangyarihang politikal at hindi madadaig ng anumang aksyon ng supermajority o mayorya ng mga kongresista ang Konstitusyon.

Ito ang pahayag ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Robert Nazal matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang una nitong deklarasyon na unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Magugunitang sa nagdaang 19th Congress ay isa si dating Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera sa mga kongresistang hindi lumagda sa Articles of Impeachment laban sa bise presidente.

Umaasa si Nazal na ang pasya ng Korte Suprema ay magsisilbing gabay sa mga opisyal ng pamahalaan.

Paalala ni Nazal, bahagi ng kanilang tungkulin ang pagsunod sa Saligang Batas at ang pagtupad sa tiwala ng mamamayan; kaya kahit nahaharap sa matinding pressure, dapat pa rin silang manindigan sa kung ano ang tama.

Facebook Comments