Manila, Philippines – Nirerespeto ni Senate President Koko Pimentel ang pagbasura ng Supreme court sa hiling ni Senator Leila De Lima na pagbawi sa arrest order na inilabas laban sa kanya ng Muntinlupa Regional Trial Court.
Paliwanag ni Pimentel, tiyak na mas may kaalaman at malalimang pag aaral na ginawa ang kataas taasang hukuman sa naturang kaso.
Ipinunto pa ni Pimentel na mayroon pa namang legal na remedyo na maaring gawin si Senator De Lima para magkaroon ng second review ang korte sa kanyang kaso.
Sabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, maaring maghain ng Motion for reconsideration si De Lima.
Nagpahayag din si Drilon ng pagrespeto sa nabanggit na desisyon ng korte suprema kasabay ng diin na ito kanyang ikinalungkot at hindi sinasang ayunan.
SC ruling kontra kay Senator De Lima, nirerespeto ng liderato ng Senado
Facebook Comments