SC, tiniyak na mailalabas ang Bar exam result bago mag-Pasko

Tiniyak ng Supreme Court (SC) na may bago ng mga abogado ang bansa bago ang taong 2024.

Sinabi ni 2023 Bar chair at Supreme Court Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, na target nilang ilabas ang resulta ng bar examination bago mag-pasko.

Aniya, pagkatapos ilabas ang resulta ng bar exam ay agad nang isusunod ang panunumpa at ang pagpirma sa roll of Attorneys sa Supreme Court, ipinagmalaki nito na kapag nagawa ito ngayong taon ay puwede na agad silang magtrabaho.


Samantala, hiniling din ni Hernando na ipagdasal ang mga Bar examinees at gabayan ng panginoon sa nasabing prestihiyosong pagsusulit.

Facebook Comments