SC, tumatanggap na ng aplikasyon para sa Chief Marshal sa hudikatura

Binuksan na ng Korte Suprema ang mga aplikasyon para sa chief marshal at tatlong deputy marshals.

Ito ay para mabigyang daan ang organisasyon ng Office of the Judiciary Marshals alinsunod sa Judiciary Marshals Act na naisabatas noong 2022.

Ang nasabing tanggapan ang pangunahing may responsibilidad sa seguridad, kaligtasan at proteksyon ng mga miyembro, opisyal, kawani at ari-arian ang hudikatura.


Isa sa mga kuwalipikasyon para sa chief marshal na magiging pinuno ng Office of the Judiciary Marshals ay may ranggo na hindi bababa sa full Colonel sa Armed Forces of the Philippines (AFP) o Philippine National Police (PNP) o kaya ay Assistant Director sa National Bureau of Investigation (NBI) na may karanasan sa imbestigasyon kung saan maaari ay abogado o miyembro ng Philippine Bar ang chief marshal.

Para naman sa deputy marshals na itatalaga a Luzon, Visayas at Mindanao; dapat may ranggo rin o kaya ay nasa full colonel sa AFP at PNP o kaya ay Assistant Regional Director ng NBI.

Gayunman, maaari pa ring maitalaga bilang chief marshal at deputy marshal kahit walang ranggo basta may proven track record at karanasan sa imbestigasyon at law enforcement.

Ang aplikasyon ay maaaring isumite hanggang December 20, 2023 sa Supreme Court Human Resource Merit Promotion and Selection Board.

Facebook Comments