SCAM | 13 Nigerian national, arestado matapos mambiktima ng mga Pinay sa FB

Cavite – Arestado ang 13 Nigerian at isang Pinay na idinadawit sa online scam sa Imus City, Cavite.

Modus ng mga suspek na gumawa ng mga pekeng social media account na gagamitin para makipagkaibigan sa mga biktima.

Kapag nakuha na ang loob ng mga biktima, kunwari ay magpapadala sila ng malaking halaga ng pera sa bansa pero kailangan muna raw magpadala ng mga biktima sa mga money remittance center bilang “airport authority taxes.”


Nahuli ang mga suspek sa sunod-sunod na entrapment operation matapos magsumbong ang isa sa kanilang mga biktima.

Kinasuhan ng syndicated estafa ang mga suspek kung saan hinikayat naman ng Imus police na magsampa rin ng reklamo ang iba pang biktima para mapabigat ang kaso.

Facebook Comments