
Muling pinag-iingat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko laban sa isang scam post na kumakalat sa Facebook.
Sa nasabing post, ginagamit ng mga scammer ang pangalan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makapanloko.
Ayon sa DICT, laman ng post ang mga mapanlinlang na link na kapag bubuksan ay posibleng manakaw ang kanilang mga impormasyon.
Kaya hinikayat ng DICT ang publiko na huwag nang pansinin at huwag nang buksan ang ganitong mga klaseng link para hindi makompromiso ang kanialng mga impormasyon.
Huwag ding magbigay ng personal na impormasyon at iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga hindi verified na online post.
Kapag nakakita ng kahalintulad na post, puwede itong i-report ng publiko sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Hotline 1326.









