Ibinunyag ng Philippine National Police (PNP) na hindi na ordinaryong SIM cards ang ginagamit ngayon ng mga text scammers.
Ayon sa PNP-Anti Cybercrime Group (ACG) gumagamit na ng software ang mga scammer na nagsisilbing text machine.
Kung kaya’t tuloy pa rin ang mga panloloko sa text kahit mayroon ng SIM registration law.
Kasunod nito, pinag-aaralan na ng PNP-ACG ang iba pang hakbang upang mapigilan, matunton at mapanagot ang mga gumagawa nito.
Humihingi din ang mga awtoridad ng kooperasyon mula sa publiko kung saan agad na isumbong sa PNP ang mga manloloko sa text, tawag, email at social media upang hindi na makapang biktima.
Facebook Comments