Manila, Philippines – Hinimok ni Acting Chief Justice Antonio Carpio ang Pilipinas na maghain ng panibagong kaso laban sa China dahil sa paglabag sa UNCLOS sa pagprotekta at pag-preserve sa marine environment.
Ayon kay Carpio, dapat ding mag-demand ang Pilipinas ng damages mula sa China sa pagsira sa coral reefs ng Chinese fishermen dahil sa pagkuha ng giant clams sa Scarborough Shoal.
Sinabi ni Carpio na ang coral reefs ang nagpaparami ng mga isda sa Scarborough Shoal, kung saan nakasaad sa arbitral tribunal na ito ang traditional fishing ground para sa Filipino, Chinese at Vietnamese fishermen.
Nagpahayag na rin aniya ang arbitral tribunal noong July 12,2016 na nilabag ng China ang obligasyon nito na protektahan at i-preserve ang marine environment nang hayaan ng Tsina ang kanilang mga mangingisda na kumuha ng giants clams at sirain ang coral reefs sa nasabing karagatan.
Gayunman, hindi aniya noon nabigyan mg danyos ang Pilipinas dahil hindi ito nag-demand subalit ngayon ay kailangan ng humirit ng Philippine Government.