Naglunsad ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ng “hotline” kung saan maaaring tumawag at magreklamo ang mga lokal na mangingisda sa Zambales.
Ayon kay Lieutenant Colonel Isagani Nato, tagapagsalita ng Northern Luzon Command, layon ng “hotline” na makaresponde agad ang mga otoridad sa mga sumbong ng mga Pilipinong nangingisda sa Scarborough Shoal.
Tiniyak naman ng PCG na ipararating nila sa mga kinauukulang ahensya ang mga matatanggap nilang hinaing mula sa mga mangingisda.
Maliban dito, nakahanda rin ang militar at PCG na magbigay ng seguridad sa mga mangingisda sa Zambales.
Facebook Comments