Manila, Philippines – Tinawag na “malaking insulto” ni Vice President Leni Robredo ang pahayag ng China na pinapayagan lamang nito ang mga Pilipino na mangisda sa Scarborough Shoal bilang pakikisama sa Pilipinas.
Ayon kay Robredo, pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea kaya at hindi na kailangan pang humingi ng permiso ng mga Pinoy fisherman sa kanilang pangingisda.
Giit naman ni Senate Minority Leader Senador Franklin Drilon na sapat ng ebidensya ang video ng pagkuha ng Chinese coast guard sa mga huling isda ng Pinoy fisherman para maghain muli ng reklamo ang Pilipinas laban sa China.
Aniya, kailangan mas palakasin ng Pilipinas ang pagprotekta sa mga teritoryo na inaangkin ng China lalo na at nanalo ang bansa sa kasong inihain sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, Netherlands.