Inanunsyo ng Supreme Court (SC) ang schedule ng 2023 Bar examinations.
Tatlong araw lamang isasagawa ang eksaminasyon.
Ito ay sa September 17, 20, at 24.
Ayon kay Associate Justice Ramon Paul Hernando, 2023 Bar chairperson, na ang pagsasagawa ng Bar examination sa mas kaunting bilang ng mga araw ay para mapagtuunan ang fourth-year review classes sa halip na post- graduate Bar review.
Bukod dito, binawasan din ang core subjects sa pagsusulit, kung saan ginawa na lamang itong anim mula sa walo.
Samantala, ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, matapos makumpleto ng 9,000 candidates ang localized at digitized 2022 Bar examination kamakailan sa 14 local testing centers sa buong bansa ay napagdesisyunan ng Korte Suprema na ikasa ang digital Bar examination.