Schedule ng 2026 Bar Exams, inilabas na ng Korte Suprema

Inilabas na ng Korte Suprema ang opisyal na schedule para sa 2026 Bar Examinations.

Batay sa anunsiyo ng SC, gaganapin ang 2026 Bar Exams sa September 6,9 at 13 kung saan may dalawang subject bawat araw na isa sa umaga at isa sa hapon.

Kaugnay nito, magiging localized at digitalized pa rin ang pagsusulit na isasagawa sa mga local testing centers sa iba’t ibang bahagi bansa gamit ang electronic na paraan.

Samantala, nagpaabot ng mensahe para sa mga kukuha ng pagsusulit si Associate Justice Samuel Gaerlan na siyang Chairperson ng 2026 Bar Exams.

Ayon kay Gaerlan, ang pagpasok sa legal na propesyon ay isang desisyong hindi basta-basta, dahil ito ay nagkakahalaga ng mga taon ng buhay at walang katapusang sakripisyo mula sa bawat mag-aaral ng batas.

Binigyang-diin naman nito na ang Bar Exams ay hindi isang pagsubok para sa mahina, kundi para sa mga naniniwala sa kapangyarihan ng kanilang layunin.

Layunin aniya ng proseso ng pagsusulit na kilalanin ang tunay na kakayahan at karakter ng bawat examinee.

Facebook Comments