Schedule ng Taguig Mobile Market, nakalatag na

Masagana at sariwang ani gaya ng gulay, prutas, karne, isda at iba pang rekado ang aantabayanan ng mga taga-Taguig para sa kanilang lulutuin.

Maaari itong mabili ng mga Taguigeños sa Taguig Mobile Market sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture.

Isa ang Mobile Market sa mga inisyatibo ng pamahalaang lungsod upang hindi na kailanganin ng mga Taguigeños na pumunta sa ibang lugar upang mamalengke.


Kahapon ay sa K9 area covered court sa Barangay Lower Bicutan humimpil ang Taguig Mobile market.

Ngayong araw naman, ang mobile market ay nasa Plaza 10 covered court sa Barangay North Signal simula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Bukas naman, May 9, ang Taguig Mobile Market ay nasa Tanyag Purok 7 covered court.

Sa Linggo, May 10, ito ay nasa Napindan Samama covered court.

Sa Lunes, May 11, pupwesto ang mobile market sa Bambang Bridge at sa Martes,

May 12, abangan ito sa Ibayo-Tipas HR Capistrano St. na katabi lang ng Barangay Hall.

Samantala, upang mapanatili ang green governance sa buong lungsod ng Taguig, ay hinihikayat ang lahat ng mga dadayo at mamimili sa mobile markets na magdala ng sarili nilang ecobags o mga lalagyan upang mabawasan ang paggamit ng plastic at ang pagdami ng solid waste.

Facebook Comments