Schedule ng Traslacion ng Itim na Nazareno, inilabas na ng Quiapo Church

Inilabas na ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Simbahan ng Quiapo ang schedule para sa gaganaping Traslacion sa Enero.

Ang taunang selebrasyon ay pangungunahan ng novena masses mula December 31 hanggang January 9.

Sa kapistahan sa January 9, ang misa ay pangungunahan ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo.


Sa video message, sinabi ni Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong, ang tema ngayong taon ay “Huwag kayong matakot, si Jesus ito,” mula sa Matthew 14:22-23.

Ang logo ngayong taon ay mayroong araw, alon, galleon ship, ichtus at imahen ng Itim na Nazareno sa gitna.

Humihingi si Badong sa mga deboto ng pang-unawa at maging bukas sa mga pagbabago.

Una nang inanunsyo ng pamunuan ng simbahan na ang tradisyunal na prusisyon ng Itim na Nazareno ay hindi muna itutuloy dahil sa banta ng COVID-19 at kanselado rin ang pahalik at papalitan ng “pagpugay” o “pagtanaw” sa imahen.

Facebook Comments