Schedule para sa FIBA 3×3 Qualifying tournament, inilabas na

Inilabas na ng FIBA ang schedule ng 3×3 Olympic Qualifying Tournament para sa Tokyo Olympics na gaganapin sa Graz, Austria.

Unang makahaharap ng Gilas sa May 26 ang Qatar at susundan ng Slovenians.

Sa may 28 naman ay makakalaban ng Gilas ang Dominican Republic at France.


Gaganapin naman ang knockout rounds sa May 30 kung saan tatlong ticket ang pwedeng makuha para mapasok sa Tokyo Olympic.

Nabatid na makakasama sa Pool C ang Gilas Pilipinas, Qatar, France, Slovenia at Dominican Republic.

Facebook Comments