Schedule para sa pagpapatala ng special voters sa Muntinlupa, itinakda na

Itinakda na ang petsa ng pagpaparehistro ng special voters sa Muntinlupa City.

Sakop nito ang mga persons with disabilities (PWDs), senior citizens, Person Deprive of Liberties (PDLs), LGBTQ community, mga kababaihan at mga kabataan.

Ngayong araw itinakda ang Special voters registration para sa kabataan sa Office of Election Officer sa Ayala Southmall Park.


Sa PDLs naman ay sa January 11 at 12 at ito ay isasagawa sa Bureau of Correction – National Bilibid Prison (BuCor – NBP) Reservation sa Brgy. Poblacion.

January 13 naman ang schedule para sa PDLs sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Brgy. Tunasan.

January 14 naman itinakda ang pagpapatala para sa PWDs, senior citizens at mga kababaihan sa Activity Center sa Ayala Mall Southpark.

Kabilang sa requirements sa mga magpaparehistro, maglilipat ng rehistro at reactivation ng isang botante ay isang orihinal at photocopy ng kanilang ID.

Facebook Comments