Manila, Philippines – Halos 9,000 kwalipikadong estudyante ang pasok sa scholarship program ng Department of Science and Technology (DOST).
Ayon kay Senior Deputy Executive Sec. Menardo Guevarra, 70 percent na mas mataas ito ngayong taon kumpara noong 2015 na limang libong estudyante.
Aniya, mapupunta sa dalawang scholarship program ng DOST ang mga kwalipikadong estudyante.
Bukod sa subsidiya sa matrikula, mayroon ring P7,000 kada buwan na allowance ang mga iskolar.
Mayroon din silang book allowance, P.E. clothing allowance, at sasagutin din ang isang roundtrip na pamasahe kada taon kung ang estudyante ay mag-aaral sa labas ng kaniyang probinsiya.
Facebook Comments