SCHOLARS NG MANGALDAN MUNICIPAL, NAKATANGGAP NA NG KANILANG ALLOWANCE PARA SA BUWAN NG PEBRERO

Natanggap na ng mga scholar’s ng Mangaldan Municipal ang kanilang monthly allowance para buwan ng Pebrero.
Ito ay sa ilalim ng kanilang Municipal Scholarship Program at bawat scholar ay tumatanggap ng tig-1200 pesos na monthly allowance.
Isinabay din sa payout ng kanilang scholarship allowance ang distribusyon ng kanilang opisyal na Identification Card (ID) kung saan nagpapatunay sa kanilang pagiging municipal scholars’ ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan.

Nanguna sa paglalabas ng payout na ito ang Office of the Municipal Planning and Development Coordinator (OMPDC), General Services Office (GSO) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO). |ifmnews
Facebook Comments