SCHOLARSHIP ALLOWANCE AT FINANCIAL ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA BAYAN NG SAN ISIDRO

Cauayan City – Nakatanggap ng scholarship allowance ang mga estudyante habang financial assistance naman ang natanggap ng mga mangingisda, magsasaka, at IRISE Beneficiaries sa San Isidro, Isabela.

Ang scholarship allowance ng mga estudyante ay mula sa BRO for Education, habang ang tulong pinansyal na para sa Fisher folks, farmers, at Isabela Recovery Initiatives to Support Enterprises (IRISE) ay mula naman sa pondo ng Presidential Assistance.

Layunin ng pamamahagi na ito ay matulungan ang mga mag-aaral maging ang mga magsasaka, mangingisda, at mga may-ari ng negosyo sa kanilang mga pangangailangan.


Ang programa ay pinangunahan ni Isabela Governor Rodito Albano III., kasama ang iba pang opisyal ng lalawigan at ng bayan ng San Isidro, Isabela.

Facebook Comments