Cauayan City, Isabela – Extended hanggang January 31, 2018 ang pagsusumite ng aplikasyon para sa SM College Scholarship Program para sa taong 2018-2019 ng SM Foundation.
Layunin ng programa na mabigyan ng libreng scholarship ang mga mapipili at karapat-dapat na mga estudyante batay sa panuntunan ng nasabing prorgrama.
Ang SM College Scholarship Program ay bukas para sa mga estudyanteng tapos ng grade 10 na may DepEd voucher mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Upang maging kwalipikado sa naturang programa, kinakailangang magkaroon ng general weighted average na 88% ang isang mag aaral sa 2nd o 3rd grading period.
Hindi rin dapat umano tataas sa P150,000 ang kabuuang taunang kita ng pamilya ng mag-aaral.
Sakop ng nasabing programa ang mga lugar sa Luzon – NCR, Albay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Palawan, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, and Zambales; Visayas – Capiz, Cebu, Iloilo, Leyte, at Negros Occidental, at sa Mindanao – Agusan del Norte, Davao del Sur, Misamis Oriental, South Cotabato, at Zamboanga del Sur.
Bukod sa scholarship, allowances na ibibigay, maaari ding makapag summer job ang kanilang mga scholars para sa ekstrang kita.
Inaanyayahan naman ng SM Foundation ang mga nagnanais na makinabang sa programa na ipadala ang kanilang aplikasyon online sa education page ng kanilang website, www.sm-foundation.org kung saan makikita rin ang listahan ng mga partner colleges at universities.