Binuksan ng mga lokal na pamahalaan ng Mabini at Binmaley ang mga programang susuporta sa edukasyon mga mag-aaral ngayong School Year 2026–2027.
Sa bayan ng Mabini, inilunsad ang first come, first served na Congressional Educational Cash Assistance na naglalayong makatulong sa pantustos sa matrikula at iba pang bayarin sa mga paaralan.
Magsisimula ang aplikasyon sa Abril 13, 2026 at nasa 750 slots ang bubuksan para sa mga residente na may kumpletong requirements.
Samantala, sa bayan ng Binmaley, bukas na rin ang aplikasyon para sa Scholarship Assistance Program para sa mga incoming first-year college student noong Abril 6 at magtatagal hanggang Mayo 7.
Mula sa 100 slots noong nakaraang taon, dinoble na ito sa 200 slots ngayong taon upang mas maraming mag-aaral ang matulungan.
Layunin ng mga programa na mas mapalawak ang access ng kabataan sa edukasyon at mabigyan sila ng sapat na suporta upang mabawasan ang pasanin sa pananalapi.
Hinihikayat ng mga opisyal ang lahat ng kwalipikadong estudyante na samantalahin ang mga oportunidad na ito at tiyaking kumpleto ang kanilang mga dokumento upang hindi masayang ang pagkakataon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










