Kasunod ito ng personal na pagdalo ng Senatorial Slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa lungsod ng Dagupan, kahapon, April 25, 2025.
Anila, magandang inisyatiba ang pagpaprayoridad sa sektor ng edukasyon upang patuloy na maitaguyod ang kapakanan at kinabukasan ng bawat kabataan.
Dagdag ng mga ito, target itong palawigin pa sa bansa kung saan magiging ehemplo sa iba pang mga lokal na gobyerno sa posibleng pagsasakatuparan ng naturang programa.
Sa panayam din sa alkalde ng lungsod, inihayag nito ang ilang mga bagong probisyon sa scholarship lalo na sa mga kwalipikadong scholars na nagkaroon ng bagsak, at kung paano ito maaaring masolusyunan.
Samantala, matatandaan na target pang gawing anim na libo sa mga sunod na taon ang bilang ng scholars sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









