Pinirmahan na kahapon ang Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng Police Regional Office 2 at University of Cagayan Valley o UCV na naglalayong bigyan ng Scholarship Program ang mga tauhan ng PRO2 na nais muling magkapag-aral o para sa kanilang mga dependents.
Sa ilalim ng MOA ay mabibigyan ng diskwento na dalawampung porsyento para sa mga piniling kurso samantalang sampung porsyento para sa mga nasa limang taon na sa serbisyo at kukuha ng kursong BS Criminology.
Ang naturang programa ay para rin sa mga PNP personnel na nasa Gradutae School at sa mga nasa unang taon ng College of Law.
Mabibigyan din ng pagkakataon na makapag-aral ang mga dependents ng mga nasa ranggo na PO1 at SPO4.
Kaugnay nito, nagsilbing panauhing pandangal si Dr. Victor V. Perez, presidente ng University of Cagayan Valley sa Awarding Ceremony na ginanap sa Police Regional Office 2.
Binigyan pansin ni Dr. Perez ang estado ng edukasyon na aniya’y maraming mahihirap ang hindi nakakapag-aral at ang kapayapaan at kaayusan ay makakamit kung bibigyan ng pagkakataong makapag aral ang mga mahihirap.
Samantala, ginawad naman nina Dr. Perez at PSupt Domingo Lucas, Deputy Regional Director for Operations ang Medalya ng Kagalingan kay Police Chief Inspector Dennis M Pamor, Police Chief Inspector Eugenio Mallilin, PO1 Jaymar Reoloquio, SPO1 Nap Dagman at PO3 Alberto Lorenzo. Pinarangalan din sina Police Senior Inspector Albert Florentino at PO2 Ruben Andres para sa Medalya ng Papuri.