MANGALDAN, PANGASINAN – Patuloy na nagsasagawa ng Scholarship program examination ang bayan ng Mangaldan para sa mga nasasakupan nitong mga mag-aaral pa sa susunod na taong-pampaaralan.
Ang municipal scholarship examination ay nag-iikot ikot sa mga barangay sa nasabing bayan kung saan pawang mga grade 7 students ang nabibigyan ng pagkakataon para makapag-exam sa proyektong ito ng bayan.
Magsisimula ang scholar program kung ang mag-aaral ay isang Grade 7 at magtatapos ito hanggang sa makatapos na rin ng grade 12 ang mga iskolar na estudyanteng napili LGU-Mangaldan.
Samantala, ayon kay Municipal Planning and Development Officer Milagros Padilla, mayroon ng bilang na 179 na aplikante para sa qualifying exam na pinangunahan ng ilang kawani ng LGU.
Sa programang ito, matutulungan at masusuportahan ang mga mag-aaral na nasa low-income family at sa may magandang academic records, para sa kanilang pag-aaral kung saan makakatanggap pa ang mga papalaring makakapasa sa eksaminasyon ng nasa P1, 200 kada buwan hanggang sa makatapos sila ng grade 12 ngunit kailang-maintain ang kanilang grado na hindi umano bababa sa 85%.