SCHOLARSHIP PROGRAM SA MGA MAG-AARAL SA AGNO, PINALAWIG

Binuksan na sa mga Grade 7 na mag-aaral ang scholarship program ng lokal na pamahalaan sa Agno hanggang July 31.

Target na pataasin sa kabuuang 90 scholars kada taon sa pagbubukas ng 15 slot para sa mga Grade 7 bilang karagdagan sa umiiral na scholarship grantees na labing-anim na mag-aaral sa Grade 8, labing-limang sa Grade 9, at dalawampu’t siyam mula sa kolehiyo.

Kinakailangan na naka-enroll sa accredited na paaralan ng Department of Education sa Agno at walang grado na bababa sa 80 porsyento sa lahat ng asignatura.

Dapat mula sa pamilya na pawang botante sa bayan ang mga magulang at kabilang sa pamilya na may taunang kita na hindi hihigit sa P183,996.

Ilan sa mga requirements ang kopya ng report card, birth certificate, application letter, voter’s certification, good moral character at dokumento bilang patunay na residente ng isang barangay sa Agni at kabilang sa indigent family.

Layunin na mas marami pang mag-aaral sa ang mabigyan ng tulong upang tuluyang makapagtapos at makapagpundar ng mas magandang kinabukasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments