SCHOLARSHIP PROGRAM SA MUNISIPALIDAD NG MANGALDAN, BUBUKSAN NA NGAYONG HUNYO

Bubuksan na ngayong ika-labingsiyam ng Hunyo ang application ng municipal scholarship program ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan kung saan ang mga maaaring makapag apply ay mga incoming Grade 7 students at incoming 1st year college para sa school year 2023-2024.
Ang scholarship program na ito ng munisipalidad ay mas pinalawig at pinaigting pa dahil sa buong suporta na ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga estudyante sa Mangaldan.
Nakapost sa official LGU facebook pags ng Mangaldan ang buong detalye ng requirements para sa pag-aaply ng scholarship.

Ang mga itinakdang araw naman ng qualifying examination para sa mga aplikante ay July 20, huwebes para sa 1st year college at July 27, huwebes rin para sa mga grade 7 high school.
Kung may nais na itanong ukol sa pag-apply sa naturang scholarship ay maaaring magtungo sa MPDC Office at hanapin si Ms. Milagros Padilla/Ms. Allona Lledo at maaari rin antabayanan ang anunsyo sa Public Information Office – Mangaldan, Pangasinan Facebook page sa iba pang detalye at kaugnay na anunsyo. |ifmnews
Facebook Comments