Scholarships program, iginiit ng isang kongresista sa CHED na iprayoridad

Courtesy: San Joaquin-Kalawaan High School Facebook page

Iminungkahi ni Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Representative Janette Garin sa Commission on Higher Education (CHED) na unahin ang pagbibigay ng scholarship sa mga estudyante.

Mensahe ni Garin kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, ibigay ang pangangailangan ng mga estudyante.

Giit ni Garin, mas maraming pondo ang dapat ilaan para sa scholarship program sa halip na gamitin ang pondo para sa mga non-essential expenditures.


Binanggit ni Garin, na noong 2023 ay iminungkahi ng CHED ang kabuuang expenditure program na P30.7 bilyon, kung saan ang P29.3 bilyon o 98.5 porsiyento ay itinalaga para pondohan ang mga scholarship sa ilalim ng Higher Education Development Program (HEDP).

Para sa 2024, tumaas ang panukalang badyet ng ahensya sa P31 bilyon pero napuna ni Garin na bahagyang bumaba ang alokasyon nito para sa HEDP, na ngayon ay nasa P29 bilyon.

Facebook Comments