School Activities sa Cotabato City kinansela dahil sa NCOV Scare

Pansamantalang ipagpapaliban ang lahat ng mga malalaking aktibidad ng Department of Education (DEPED) sa Cotabato City para sa buwan ng Pebrero kasabay ng pinangangambahang 2019 NCOV.

Sa naging panayam ng DXMY kay City Schools Division Supt. Conception Balawag, nagpalabas na ng kautusan ang DePeD-National at naibaba na rin sa kanilang tanggapan, kabilang na ang naka schedule ng National Press Conference habang nakatakda namang magpupulong ang mga School Officials para sa gagawing SRAA Meet o ang SOCCSKSARGEN REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION MEET nakatakdang gagawin sana sa huling linggo ng buwang ito.

Ayon pa kay Balawag nakasaad din sa ipinadalang DepED-memo na iwasan na muna ang pagsasagawa ng mga pagtitipon tulad na lamang ng Junior Senior (JS) Prom at maging ang pagsasagawa ng flag ceremonies, ipinapayo na sa loob na lamang ng mga silid aralan magsagawa ng flag ceremony.


Nagpapaalala rin ang City Schools Division sa lahat ng mga mag-aaral maging sa mga guro na lalo pang palakasin ang mga immune system para na rin panlaban sa anu mang uri ng karamdaman.

Facebook Comments