School base immunization program para sa 10 milyong kinder hanggang grade 7, muling ilulunsad

Photo Courtesy: DepEd

Sampung milyong estudyante mula kinder hanggang grade 7 ang target na mabakunahan ng Department of Health (DOH) laban sa iba’t-ibang sakit.

Kasabay ito ng muling pagbuhay ng ahensya sa school-based immunization program.

Matatandaang sumadsad sa 32% ang tiwala ng publiko sa bakuna dahil sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.


Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – nakakalungkot na kailangang mayroon pang mamatay bago bumalik sa pagbabakuna ng kanilang mga anak ang mga magulang.

Samantala, kahit malaki na ang ibinaba sa kaso ng tigdas, hindi pa rin babawiin ng DOH ang idineklara nitong measles outbreak.

Nais kasi ng DOH na maging mas maagap ang mga magulang sa posibilidad na magkasakit ang kanilang mga anak.

Facebook Comments