Asahan na ang pagbabago sa school calendar para sa distance-learning activities ng mga estudyanteng sa mga lugar na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, nag-uusap na ang mga guro at mga magulang para magsagawa ng makeup classes.
Maliban dito, nakikipagdayalogo na rin sila sa iba’t ibang grupo ng mga estudyante hinggil sa apela ng mga ito na “academic ease” o ang pagbawas sa mga academic requirements.
Matatandaang ilang Local Government Units (LGUs) ang nagpatupad ng class suspension sa Luzon matapos ang pananalasa ng Bagyong Quinta, Rolly At Ulyssess.
Facebook Comments