School Division Superintendent ng Deped Pagadian City pinagbabaril patay habang nasa kanyang Dispededa Party

Pagadian City, Zamboanga del sur—–Patay ang isang opisyal ng Department of Education Pagadian City matapos itong pagbabarilin habang nasa kanyang dispededa party alas 6 ng gabi sa San Jose Elementary School sa siyudad ng Pagadian.
Ang biktima kinilalang si Pagadian City School Division Supt. Marcom Burongan, nasa hustong gulang residenti ng lungsod na nagtamo ng tatlong tama sa kanyang ulo at dibdib gamit ang calibre .45 na baril na siyang ikasawi ng biktima. Ayon sa mga testigo na nakausap ng RMN-DXPR Pagadian na mag alas 6 ng gabi malapit na sanang matapos ang ginawang dispededa party ng biglang may pumasok na isang lalaki at bumonot ng baril saka pinuputokan si Borongan habang nakaupo sa harap ng kanyang mga bisita ng tatlo besis.
Mabilis namang tumakas ang suspek at nagpaputok pa ito ulit ng kanyang baril bago tuluyang sumakay ng isang single na motorsiklo paalis sa loob ng paaralan kung saan ginanap ang nasabing party. Habang si Borongan naman mabilis na isinugod ng kanyang mga kasamahan sa Hofilenia Hospital ng siyudad subalit dineklara ito ng mga doctor na Dead on Arrival.
Sa ngayon nagpapatuloy parin ang ginagawang malalimang imbestigasyon kung ano ang motibo sa pamamaril patay kay Borongan at kung sino ang nasa likod sa pagpaslang sa opisyal ng Department of Education sa Lungsod ng Pagadian.


Facebook Comments