School heads, pinulong ng QC-LGU dahil sa sunod-sunod na mga bomb threat sa mga public school

Ipinatawag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga school head ng lungsod pati na rin ang mga pulis upang talakayin ang sunod-sunod na mga bomb threat na natatanggap ng mga public school.

Lumilikha na kasi ito ng takot ng mga estudyante.

Ayon kay Mayor Belmonte, nakababahala na ang ganitong mga sitwasyon dahilan naapektuhan na ang pag-aaral ng mga bata.


Simula noong Lunes, limang eskwelahan ang nakatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng mga mensahe na ipinapadala sa Facebook Page ng mga ito.

Kabilang sa mga ito ay ang New Era High School, Culiat Elementary School, San Francisco High School at kanina ay Ponciano Bernardino Elementary School at High School.

Iniutos ng Belmonte sa Quezon City Police District na magdagdag ng police visibility sa mga paaralan at regular na ugnayan sa Parents Teachers Association.

Facebook Comments