Ipinag-utos na ng Department of Education (DepEd) ang pagtatalaga ng School Information Coordinators (SICs) para matiyak na mapapagtibay ang communications convergence sa mga eskwelahan sa national level.
Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 017 series of 2021, inatasan ni Education Secretary Leonor Briones na ang bawat public elementary, secondary at senior high school sa buong bansa ay dapat mayroong SICs.
Paliwanag ni Briones, ang SICs ay magsisilbing focal person sa pagberipika at pagsagot sa mga isyu at concerns ng publiko at ng media kaugnay sa kanilang paaralan o lugar.
Trabaho rin ng SICs na magsagawa ng verification ng mga impormasyon batay sa mga protocols, data privacy, integrity at confidentiality.
Ang mga itatalagang SICs ay dapat mayroong teaching o non-teaching position sa eskwelahan, nakapagtrabaho na sa halos dalawa o tatlong tatlong taon sa DepEd at mahusay rin dapat sa public relation skills.
Bukod dito, nakahanda rin ang SICs sa anumang untoward incidents sa kanilang nasasakupan at magsusumite ng detalyadong report sa loob ng 24 oras sa DepEd Central Office (CO) Public Affairs Service (PAS).
Marunong magsulat at may mahusay na public relation skills, at kayang tumugon sa mga isyu at concern ng schools division, regional, o ng Central Office.
Bukod dito, nakahanda rin ang SICs na sa anumang untoward incidents sa kanilang nasasakupan at magsusumite ng detalyadong report sa loob ng 24 oras sa DepEd Central Office (CO) Public Affairs Service (PAS).