SCHOOL MASS SHOOTING | Suspek sa pamamaril sa eskwelahan sa Parkland, Florida, posibleng hatulan ng parusang bitay

Florida – Posibleng hatulan ng parusang kamatayan ang 17-anyos na suspek sa pamamaril sa isang eskwelahan sa Parkland, Florida.

Ito ay matapos na sampahan na ng 17 counts ng first degree murder si Nikolas Cruz dahil sa pagkamatay ng 17 katao sa shooting incident.

Ayon naman sa abogado ni Cruz, sakaling alisin sa mga opsyon ang death penalty, handang maghain ng guilty plea ang suspek.


Samantala, lusot na sa House of Representative ang panukalang armasan ang mga guro at empleyado ng paaralan sa Florida.

Animnapu’t pitong mambabatas ang pumabor sa panukala habang 50 ang tutol.

Wala pang pahiwatig si Republican Governor Rick Scott kung ive-veto niya ang panukala.

Facebook Comments