*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang school principal at dalawa pang katao na most wanted person sa magkakahiwalay na operasyon ng municipal police station sa Lalawigan ng Isabela.
Kinilala ang naarestong principal na si Rosario Aguilar, 58-anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. Quirino, Cordon, Isabela.
Dakong 4:20 ng hapon kahapon nang maaresto si Aguilar sa Barangay Gayong, Cordon, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Anastacio D. Anghad ng RTC Br. 36 Santiago City dahil sa kasong illegal logging o paglabag sa PD 705 na may rekomendasyong piyansa na P30,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa Brgy. District 2, Benito Soliven, Isabela ay naaresto naman ang top 1 most wanted person municipal level ng nasabing bayan si Samuel dela Cruz, 40-anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Sinipit, Benito Soliven, Isabela.
Sa inisyu na warrant of arrest ni Hon Rofus Malecdan, Acting Presiding Judge ng RTC Br 15, Second Judicial Region, Alfonso Lista, Ifugao na may petsang April 8, 2019 sa kasong Attempted Murder docketed under Criminal Case No. 881-19 at may rinirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php 120,000.
Samantala sa Centro Poblacion, Cabagan, Isabela ay naaresto rin dakong 1:00 ng hapon kahapon ng pulisya si Vincent Ramos, 50-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Cubag, Cabagan, Isabela.
Naaresto ng pulisya si Ramos sa ipinalabas na warrant of arrest ni Hukom Isaac R De Alban, ng RTC, Second Judicial Region, Branch 16, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong may kinalaman sa RA 8282 na may kaukulang piyansa na Php 72,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Ang tatlong akusado ay dinala sa himpilan ng para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.