SCHOOL PRINCIPAL KASAMA ANG ISA PA TIMBOG SA ILLEGAL NA SABONG

ROSARIO, LA UNION – Huli ang isang school principal kasama ang isa pang lalaki sa aktong pagsasabong sa Brgy Gumot-Nagcolaran.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan sa imbestigador ng krimen na si PSSG Romer Aldrin Abrigado, ipinagbigay-alam umano ng kanilang confidential informant na may mangyayaring sabong sa isang liblib na lugar kung saan agad namang tinungo ng mga kawani ng Rosario police ang lugar para beripikahin.

Dito na tumambad ang kumpol kumpol na mga tao na nagsasabong. Dahil sa pagpunta ng mga tropa ng kapulisan ay agad nagtakbuhan ang mga nasa lugar kung saan sa dami ng tao, dalawang katao lamang nahuli.


Nakilala ang mga naglalaro ng ilegal na sugal na sina Florencio Mapili, 46 anyos at Principal III ng Cataguintingan Elementary School at ang kasama nito na si John Albert Jacob Laroco, 35 anyos.

Nakuha mula sa dalawa ang 18 manok panabong, 52 na tari, tatlong (3) cellphones at halagang P10,930 na pamusta.

Ang mga ebidensya ay nasa kustodiya ng Rosario PNP kabilang ang mga suspek dahil sa paglabag sa PD 449 o ang Cockfighting Law of 1974.

Sa ngayon, nakapag-piyansa na ang dalawa ng tig P18, 000.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Rosario Police sa DepEd ukol sa isyu ng nasabing principal.

Nangyari ang krimen, ika-12 ng Disyembre. | ifmnews

Facebook Comments