SCHOOL VACCINATION PROGRAM, ILULUNSAD SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng pagbabakuna ang Rural Health Unit ng Alicia sa mga mag-aaral ng mga pambulikong paaralan sa bayan ng Alicia, lalawigan ng Isabela.

Layunin nito na bigyang proteksyon ang mga mag-aaral laban sa Vaccine Preventable Diseases (VPDs) tulad ng Measles, Rubella, Tetanus at Dipterya.

Kabilang sa mga mababakunahan ng Measles Rubella at Tetanus Diphtheria ay ang Grade 1 hanggang Grade 7 habang Human Papilloma Virus vaccine naman ang ika-4 na baitang na mga babae.


Ang aktibidad na ito ay isinasagawa sa lahat ng Pampublikong Paaaralan sa bansa tuwing buwan ng Oktubre.

Facebook Comments