Paiikliin na umano ang school year ngayong taon sa elementary hanggang secondary level para sa preparasyon ng pagbabalik ng klase tuwing buwan ng hunyo kung saan planong gawin sa taong 2025.
Ayon sa panayam ng ifm dagupan kay Teacher’s Dignity Coalition Chairman Benjo Basas , paiikliin na ang school year 2023-2024 ibig sabihin susubukang tapusin ito hanggang buwan ng Mayo 2024 habang ang school year 2024-2025 naman ay susunod pa rin sa nakatakda nitong pagbubukas na sa buwan ng Hulyo o July 29, 2024.
Dagdag pa niya na ang planong pagbabalik ng klase tuwing buwan ng hunyo ay sisimulan sa susunod na taon pa o school year 2025-2026.
Bagamat paiikliin na ang school year 2023-2024 ay huwag daw mabahala dahil mahaba na umano ang apat na buwan na buwelo at paniguradong makakapaghanda naman ang mga mag-aaral at makakasabay pa rin ang mga ito sa mga aralin at mga gawain sa loob ng kanilang mga paaralan.
Samantala, isa ang grupong Teacher’s Dignity Coalition sa mga nagsusulong na samahan ukol sa pagbabalik muli ng klase sa buwan ng Hunyo. | ifmnews
Facebook Comments