School year ngayong taon, hindi nasayang – DepEd

Naniniwala ang Department of Education (DepEd) na hindi nasayang ang school year 2020-2021.

Ito ay sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok sa ilalim ng alternatibong pamamaraan na distance learning.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, napaka-“challenging” ng school year na ito para sa lahat dahil sa naging sitwasyon bunsod ng COVID-19.


Hindi aniya nasayang ang panahon dahil marami pa ring natutunan ngayon, hindi lamang ang mga estudyante kundi maging ang kagawaran para mas maisaayos ang susunod na school year sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments